Napakasarap na marinig mula sa isang taong ikaw ang problema nya. Para sa'kin 'yun a. Nakakatuwa, surprising, at the same time confused at worried ako para sa taong 'yon. Sa dinami-dami ba naman ng mga babae sa mundo na kilala nya, kaibigan, o katrabaho, matanong ko lang, "BAKIT AKO?!"
Thankful naman din ako sa nalaman ko. Hanggang ngayon pala e, ganon pa rin ang nararamdaman nya para sa'kin.
"Wow!", yun lang ang naging reaksyon ko at ang pinakaunang salitang nabitiwan ko nang maintindihan ko ang sagot mo sa paulit-ulit na tanong ko sa'yo kung ano nga ba talaga ang problema mo? At paulit-ulit mo rin na sinasabi na "ikaw". (Siguro mga more or less ten times din tayong nagpaulit-ulit) 'Yun pala yun. Bopols ko talaga. Two weeks na ang nakaraan simula ng tumawag ka at hanggang ngayon tumatawag ka pa rin. Sabi nga, nakainom ka pa no'n at according to you, mag-isa ka lang sa rooftop ng bahay ng tita mo. Kailangan ba talaga uminom muna bago tayo mag-usap? Pero, nice a! Sana makatambay din kita d'yan one time. Minsan invite mo din ako.
Bakit mo kaya ako naisipang tawagan nun? Sabado, January 7, 2011. Around 12 am na at siguro mga isang oras din tayong nag-usap. Unlimited call ka so every five minutes e napuputol ang tawag mo. Kaka-off ko pa lang ng computer for 30 minutes at medyo mababaw na ang tulog ko nang marinig ko na mag-ring ang telepono ko. Nagulat ako. Akala ko pa nga e 'yung isang taong kapangalan mo na kakilala ko ang tumatawag sa akin dahil iba ang number na ginamit mo. Buti na lang hindi ako nagkamali ng sagot. Ikaw nga.
Pero siguro mas masarap ang pakiramdam kung may ginagawa tayong paraan at pinapatunayan mo sa akin na ako nga talaga ang problema mo. Hehehe... It may sound old and cliche, pero, gusto kong sabihin sa'yo ng diretso na gusto ko na ligawan mo ako. Sana hindi lang sa telepono tayo nag-uusap. Sana magkakilala pa tayo ng mas mabuti. Sana totoo ang lahat ng mga naririnig ko sa'yo. Kasi kahit sa telepono lang tayo magkausap, naniniwala ako sa mga sinasabi mo at umaasa ako. Salamat at nandyan ka pa din kahit na medyo hindi maganda ang mga nangyari sa atin dati. Sana hindi ka katulad ng mga naunang lalaki na lumapit at nagsadya sa akin. Sana maglevel up naman tayo!
No comments:
Post a Comment