8 May 2010
Saturday
Hay, isang nakakapagod na Sabado.
Isang napakasamang gising na umaga.
Biglaang nangyari ang lahat
Wala na kami.
Sa isang maling joke
Wala na lahat ng walang kaabog-abog.
Tsk Tsk Tsk
Mula paggising sa umaga at pagbangon sa kama hanggang sa ilapat ang likod ko sa pagtulog
Mula sa pinakadulo ng buhok hanggang sa talampakan
Pagod na pagod ako
Pagod na ang isip ko
Pagod na ang katawan ko
At pinakapagod sa lahat ang puso ko.
Pagod na kong mag-isip
Pagod na akong maghintay sa kanya
Pagod na akong umintindi
Ako nga ba ang may kasalanan?
Pwede bang i-depensa ko naman sarili ko?
I was provoked!
Sya mismo ang nagprovoke sa akin
O sinasadya nya lang na gawin yon
Para may dahilan para mag-away kami
Pwede rin.
Sabi nga ni Roset, ipinapamukha nya na sakin na sumuko na ako
Pero sobrang bulag ako para hindi makita yun
At sobrang tanga ako para hindi maramdaman yun
Hay, ganon na nga ba ako katanga?
Palagi na lang bang ganito ang nangyayari sa akin
Pwede bang maiba naman
Nakakasawa na malagay sa ganitong sitwasyon eh.
Kakayanin ko pa ba sa susunod na mga kabanata...